配信日
2022年05月26日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-04]【Pag-aaral ng wikang Hapon sa pamamagitan ng panonood ng video】
Nais namin ipakilala sa mga dayuhang nakatira sa Japan ang isang website na makatutulong sa pag-aaral ng wikang Hapon.
Ito ay isang website na itinatag ng Ahensiya ng mga Gawaing Pang-kultura (Bunka-cho) na pinangalanang “Tsunagaru, Hirogaru, Nihongo de no Kurashi” (Pag-uugnay at Pagpapalawak ng Pamumuhay na gamit ang wikang Hapon).

Ang website na ito ay ginawa para sa self-study o sariling pag-aaral ng wikang Hapon na ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay, tulad ng pamimili, pagsasagawa ng mga tuntunin o pamamaraan ng mga proseso sa munisipyo, at iba pa.

Mayroong 28 eksena sa video.
Maari ninyong matutunan ang wikang Hapon na ginagamit sa totoong buhay sa pamamagitan ng panonood ng video at magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay tungkol sa pamumuhay sa bansang ito.
Ito ay mayroong 3 antas, maaring pumili ng antas na nababagay sa inyong kasanayan sa wikang Hapon at ng sitwasyong nais ninyong pag-aralan.

Mayroong pagsasalin sa iba’t-ibang wika.
Suportadong wika: Ingles, Intsik, Portuges, Espanyol, Vietnamese, Indonesian, Filipino, Nepalese, Khmer, Koreyano, Thai, Burmese, Mongolian
Mangyaring samantalahin ang paggamit ng website na ito!
https://tsunagarujp.bunka.go.jp/?lang_id=PH


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ