配信日
2022年06月10日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-06]【Magbabago ang Sistema ng Child Allowance mula ngayong taon】
Hanggang sa nakaraang taon, ang mga tumatanggap ng child allowance ay dapat magsumite ng ulat ng katayuan,“GENKYŌ-TODOKE” tuwing Hunyo.
Ngunit nagbago na ang sistema at hindi na kailangang magsumite ng genkyō-todoke.
Gayunpaman, ang mga sumusunod ay kinakailangan pa rin magsumite ng genkyō-todoke:

1.Mga nasa kalagitnaan ng pag-uusap sa diborsyo at nag-sumite ng ulat tungkol sa paghihiwalay ng tirahan sa asawa.
2.Mga iba sa aktwal na tinitirahan ang address na nakasulat sa residence certificate dahil sa karahasan mula sa asawa at iba pang dahilan.
3.Mga magulang o tagapag-alaga ng batang karapat-dapat makatanggap ng child allowance subalit walang residence certificate ang naturang bata.
4.Isang corporasyon na tagapag-alaga ng menor de edad, o benepisyaryo na pasilidad/o foster parent.
5.At iba pang taong kailangang beripikahin ang kalagayan.

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa pagbabagong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng munisipyo sa inyong lugar.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ