配信日
2022年07月19日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-09]【Maaring Kumunsulta Tungkol sa Individual Number Card(My Number Card)】
Maaring tumawag sa telepono kung mayroong tanong tungkol sa Individual Number Card.
Ito ay may suporta para sa 10 wika.

●Numero sa telepono:0120-0178-27
(Kung hindi makakonekta, mangyaring tumawag sa 0570-064-738(may bayad).)

●Oras ng pagtanggap
Ingles・Chinese・Korean・Espanyol・Portuges: 24 oras(Mula alas 8 ng gabi hanggang alas 9:29 ng umaga, ang tinatanggap na tawag ay para lamang sa pagsususpinde ng Individual Number Card)
Thai, Nepali, Indonesian:9:00~18:00
Vietnamese, Tagalog:10:00~19:00

Ang Individual Number Card ay isang opisyal na ID card.
Maaari itong gamitin sa pagbubukas ng bank account o pagpapa-isyu ng bagong pasaporte, atbp.
Maaari ring ito gamitin para kumuha ng pampublikong sertipiko sa mga convenience store, tulad ng residence certificate atbp.
Kung gustong magpagawa nito ngunit hindi pa alam kung paano, mangyaring tumawag at kumunsulta sa numerong nakasaad sa itaas.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ