配信日
2022年08月23日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-13]【Para sa mga hindi makakatanggap ng pangangalagang medikal sa pinansyal na kadahilanan】
Ipapakilala ang ”Sistema ng Libre/ Murang Pangangalagang Medikal”.
Ito ay inilaan para sa mga hindi makakapunta sa institusyong medikal dahil sa pinansyal na kadahilanan.
Maaaring maging libre o mabawasan ang bahagi ng babayaran sa gastusing medikal batay sa kasalukuyang situwasyong pinansyal, tulad ng pagiging walang trabaho, walang tirahan, mababa ang kita, biktima ng DV (domestic violence), atbp.

Una sa lahat, mangyaring kumonsulta sa ospital o klinika na nagbibigay ng medikal na pagsusuri na gamit ang nasabing sistema.

●Listahan ng mga ospital at klinika sa Prepektura ng Kanagawa(Japanese)
https://www.min-iren.gr.jp/?p=20120#kanagawa

●Kung kailangan ng tagasalin-wika, mangyaring tumawag sa “Gabay sa Iba’t-ibang Wika sa Kanagawa”
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/

Sa panahon ng emerhensiya tulad ng pagkakasakit o nasugatan/pinsala, mangyaring huwag mag-atubiling tumawag ng ambulansya.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ