配信日
2022年09月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-18]【Benepisyo para sa mga Mag-aaral sa High School】
Mayroong iskolarship para sa mga mag-aaral sa high school na tinatawag na “Scholarship Grant para sa mga Estudyante sa High School sa Kanagawa”.
Saklaw ng scholarship na ito ang mga gastusin sa edukasyon maliban sa matrikula (textbooks, mga gamit sa paaralan, mga bayarin sa PTA membership, mga ekskursiyon sa paaralan, atbp.).
Hindi ito kailangang isauli.

Ang maaring mag-apply ay ang mga sambahayan na tumutugma sa lahat ng kinakailangan na sumusunod:
・Ang magulang o guardian ay dapat nakatira sa Prepektura ng Kanagawa.
(※Kung nakatira ka sa labas ng Prepektura ng Kanagawa, mangyaring makipag-ugnayan sa prepektura na tinitirahan.)
・Sambahayan na tumatanggap ng pampublikong suporta sa pamumuhay “seikatsu-hogo” o sambahayan na exempted sa pagbabayad ng resident tax.
・Dapat may myembro ng sambayahan na naka-enroll sa high school.

Ang halaga ng benepisyo ay 32, 300 yen hanggang 143, 700 yen kada taon.

Ang aplikasyon ay dapat isumite bago mag ika-31 ng Oktubre (Lunes) para sa mga pampublikong high school sa Prepektura ng Kanagawa.
Para sa mga high school na nasa labas ng Prepektura ng Kanagawa at mga pribadong high school ay hanggang sa ika-15 ng Disyembre (Huwebes).
Para sa mga detalye, tingnan ang sumusunod na website:

Pampublikong High School:https://www.pref.kanagawa.jp/docs/en7/cnt/f531013/gaikokugo.html 
(Ingles, Chinese, South/North Korean, Espanyol, Portuges, Thai, Tagalog, Nepali, Vietnamese, Khmer)

Pribadong High School:
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/v3e/jyosei/gakuhisien/syougakukyuuhukinn.html 
(Sa wikang Hapon lamang)


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ