配信日
2022年10月13日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-22]【Sa mga magulang ng mga batang papasok sa elementarya sa susunod na taon】
Magkakaroon ng health check-up para sa mga batang papasok sa pampublikong paaralang elementarya sa Japan sa Abril ng susunod na taon (2023). Isasagawa ito sa mismong paaralan.
Ang mga batang maaaring papasok sa elementarya sa susunod na Abril ay ang mga batang kasalukuyang 6 na taong gulang at ang mga magiging 6 na taong gulang hanggang Abril 1, 2023.
(Mga batang ipinanganak mula Abril 2, 2016 hanggang Abril 1, 2017.)

Ipapadala ang mga detalye sa pamamagitan ng koreo sa mga magulang ng mga naturang bata.
Kung hindi nakarehistro bilang residente sa lugar na tinitirahan, mangyaring pumunta at magtanong sa tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Kung kailangan ng tagasalin-wika, mangyaring tumawag sa “Gabay sa Iba’t Ibang Wika sa Kanagawa” nang maaga, para makipag-arrange ng interpretasyon sa telepono nang libre.
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ