配信日
2022年10月26日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-22c]【Klase sa Wikang Hapon [Unang Wikang Hapon Silid-Aralan sa Sentro ng Prefecture] (Ebina, Zama at Ayase) ay magsisimula na】
Klase sa Wikang Hapon [Unang Wikang Hapon Silid-Aralan sa Sentro ng Prefecture] (Ebina, Zama at Ayase) ay magsisimula na

Ito ay klase para sa mga taong ngayon pa lang mag-aaral ng wikang Hapon at mga taong halos hindi nakakaintindi ng wikang Hapon. Mapag-aaralan ang mga wikang Hapon na magagamit agad at ang mga pangunahing balarila. Tuturuan ng mga kwalipikadong guro sa isang madaling maunawaang paraan.

■ Araw at Oras
Miyerkules at Biyernes 10:00 a.m. ~ 12:00 p.m.

■ Antas 2
Klase para sa mga taong marunong bumasa ng letrang hiragana at katakana, at nais mag-aral ng mga pangunahing balarila at pag-uusap. 
Nobyembre 16 ~ Pebrero 3 (Walang klase sa Nobyembre 23, Disyembre 28, 30, at Enero 4)

■ Lugar
Ebina Culture Hall (Address: 6-1 Megumi-cho, Ebina City, Kanagawa Prefecture)
5 minutong lakad mula sa Ebina Station
※May bayad ang parking.

■ Bayad
Libre (\0)
★ May bayad ang mga aklat(¥2,640)

■ Mga aklat
Antas 1 [ Ippo Nihongo Sanpo Baguhan 1 ] \2,640
Antas 2 [ Ippo Nihongo Sanpo Baguhan 2 ] \2,640

■ Bilang ng tao sa bawa’t klase
20 katao (1 klase)

Mga dapat pag-ingatang bagay … huwag kaligtaang basahin
1. Maaaring mabago ang planong iskedyul batay sa kalagayan ng paglaganap ng impeksyon dahil sa corona virus.
2. Ang mga aklat ay maaaring mabili pagkasimula ng klase. Huwag bilhin bago magsimula ang klase.
3. Habang maaari, subukang sumali sa lahat ng araw ng klase.
Pinaplanong matuto mula sa pangunahing mga aralin sa loob ng 20 beses na tuluyang klase.
4. Kapag marami ang nais sumali, magkakaroon ng bunutan.
5. May mga araw na mag-aaral gamit ang internet.

[Organizer] Kanagawa Prefecture
[Co-organizers] Lungsod ng Ebina, Lungsod ng Zama, Lungsod ng Ayase
[Magsasagawa] Kanagawa International Foundation (KIF)

Tignan lamang dito ang mga detalye.
https://www.kifjp.org/nihongo/where/hajimete/tag02


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ