配信日
2022年11月11日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-24]【Pagtaas ng Minimum Wage】
Itinaas ang minimum wage mula sa ika-1 ng Oktubre, 2022.
Ang minimum wage sa Prepektura ng Kanagawa ay itinakdang 1,071 yen kada oras.

Ang minimum wage ay ang pinakamababang halaga na dapat bayaran ng kumpanya sa mga manggagawa nito.
At ito ay base sa halaga ng sahod kada oras.
Ang minimum wage ay nakatakda sa batas.
Hindi ito dapat labagin ng mga kumpanya.

Ang minimum wage ay nakatakda sa bawat prepektura.
Maaaring suriin ang kasalukuyang halaga sa sumusunod na link.
https://pc.saiteichingin.info/kouho/index.html


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ