配信日
2022年11月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-24a]【Resebarsyon ng Scholarship para sa mga papasok sa Mataas na Paaralan sa susunod na taon】
Mayroong scholarship para sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan na tinatawag na “Kanagawa Prefectural Scholarship for Senior High School”.
Ang scholarship na ito ay kailangang bayaran subalit walang interes.
Ito ay mula sa Board of Education ng prepektura ng Kanagawa.
Tumatanggap ng reserbasyon para sa scholarship ng mga mag-aaral na ngayon ay nasa ikatlong taon sa junior high school at nagpa-planong magpatuloy sa senior high school sa susunod na taon.
Maari din mag-apply para sa scholarship kung kailan nagsimula na ang pasukan sa senior high school, ngunit kapag may reserbasyon, mas mapapabilis ang pagdedeposito ng scholarship sa bangko (Kapag may reserbasyon ng scholarship, sa katapusan ng Mayo ang pagdedeposito. Kung mag-a-apply kung kailan nagsimula na ang pasukan sa senior high school, sa katapusan ng Hulyo pa ang pagdedeposito).

●Mga kinakailangan sa aplikasyon:
1. Ang aplikante ng scholarship ay kailangang nakatira sa prepektura ng Kanagawa at nagpa-planong magpatuloy ng pag-aaral sa isang senior high school sa prepektura. (O kahit sa labas ng prepektura ang senior high school, maaaring mag-aplay kung ang magulang/tagapangalaga ay nakatira sa prepektura ng Kanagawa.
2. Dapat mas mababa sa \507,000 ang kabuuang halaga ng buwis ng magulang/tagapangalaga sa taong ito na “resident tax” o buwis ng residente ng munisipalidad at ng prepektura na base sa personal na kita (income based tax rate for prefectural resident and municipal resident).
Humigit-kumulang 9.1-milyong yen na kita sa loob ng isang taon ang katumbas ng tax-rate na ito.

●Halaga na ipapahiram bawat buwan:
Pampublikong mataas na paaralan ...\10,000 ~ \30,000
Pribadong mataas na paaralan ...\10,000 ~ \50,000

●Panahon ng pagpapahiram:
1 taon (mula Abril, 2023 hanggang Marso, 2024)
Kailangang mag-apply muli kung nais manghiram sa ikalawang taon.

●Mga dokumentong isusumite:
1. Porma ng aplikasyon
2. Residence certificate na nakasulat ang lahat ng miyembro ng sambahayan
3. Isa sa mga sumusunod na dokumento tungkol sa kita ng magulang/ tagapangalaga:
・Notipikasyon ng halaga ng buwis ng residente ng munisipalidad at ng prepektura sa ilalim ng espesyal na koleksyon para sa taong 2022 (kopya).
・Abiso ng pagbabayad ng buwis ng residente sa munisipalidad at ng prepektura at ng notipikasyon ng takdng halaga para sa taong 2022 (kopya).
・Sertipiko ng pagbabayad o iksemsyon ng buwis ng residente sa munisipalidad at ng prepektura para sa taong 2022 (maaari rin ang kopya)
・Sertipiko ng tulong para sa pamumuhay (seikatsu hogo jukyu shomeisho) na inisyu ng mayor ng munisipalidad mula Nobyembre 1, 2022. (orihinal, hindi tatanggapin ang kopya)

●Patutunguhan ng aplikasyon
Mangyaring ipadala ang mga kinakailangang dokumento sa pamamagitan ng koreyo sa sumusunod na address.
〒231-8588
Yokohama-shi, Naka-ku Nihondori 1
Kanagawa Prefectural Board of Education
Finance Division High School Scholarship Group

●Deadline ng aplikasyon
Dapat makarating ang aplikasyon sa Lunes, Enero 16, 2023.

●Pagbabayad
Ang panahon ng pagbabayad ng scholarship ay maaaring pahabain ng apat na beses ayon sa haba o kung ilang taon ang scholarship/paghihiram. Dapat bayaran ito sa loob ng panahon na ito mula sa pagtatapos ng senior high school.

★Kung mayroong anumang katanungan o kailangan ng tulong sa pagsulat ng dokumento, mangyaring tumawag sa “Multilingual Support Center Kanagawa”
TEL: 045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/tag/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ