配信日
2022年12月05日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-26]【Tungkol sa Paid Leave】
Ang paid leave ay leave o bakasyon na may sahod pa rin o walang bawas sa sahod.
Karapatan ng manggagawa na kumuha ng bakasyon na ito.

Ang paid leave ay makukuha pagkalipas ng anim na buwan mula nagsimula sa isang trabaho.
Ang bilang ng araw ng paid leave na maaaring ipagkaloob ay naaayon sa bilang ng mga araw ng trabaho sa isang linggo.

Ayon sa tuntunin, ang mga araw kung kailan gagamitin ang paid leave ay pinapasya ayon sa kagustuhan ng manggagawa.
Kung may malinaw na dahilan ang kumpanya, maaari nitong hilingin sa manggagawa na baguhin ang petsa ng pagkuha ng paid leave.

Dapat tiyakin ng mga employer na ang kanilang mga manggagawa ay makakagamit ng paid leave.
Para sa mga manggagawang may higit sa 10 araw na paid leave sa loob ng isang taon, obligado ang employer na ipagamit sa kanila ang paid leave na hindi bababa sa 5 araw.
Ang panahon kung kailan gagamitin ang paid leave ay pinagpasyahan ng employer base sa pinagusapan nila ng kanilang maggagawa.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ