配信日
2022年12月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-28]【Mga Puntong Dapat Tandaan Upang Maiwasan Ang Pagkalat Ng Impeksyon】
Upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon ng COVID-19, pakitandaan lamang ang sumusunod na mga punto kapag may pagdiriwang o pagtitipon na may kainan.


●Huwag dumalo sa pagdiriwang o pagtitipon na may kainan kung masama ang pakiramdam.

●Kung dadalo naman sa mga pagdiriwang o pagtitipong may kainan, tiyakin ang angkop na distansiya sa kapwa, maghugas ng mga kamay o mag-hand sanitizer, gumamit ng mask, masusing bentilasyon, pigilin na makipag-usap sa malakas na tinig at iba pa, sumunod sa mga pangunahing hakbang sa pag-iwas sa impeksyon. Kapag nasa labas naman, tandaan na hindi kailangang magsuot ng mask kung halos hindi makikipag-usap, kahit na hindi mapanatili ang distansya sa ibang tao.

●Dapat iwasan ng mga matatanda, mga may underlying condition, at mga may regular na pakikipag-ugnayan sa mga ganitong tao, iwasang dumalo sa mga pagdiriwang o pagtitipong may kainan na malamang na mangyaring sarado/siksikan/magkakalapit at ang mga pangunahing hakbang sa pag-iwas ng impeksyon ay hindi lubusang sinusunod.

●Kung kinakailangan, isaalang-alang ang mga pagdalo sa mga pagdiriwang online.

●Huwag dumalo sa pagdiriwang o pagtitipon na may kainan kung masama ang pakiramdam.
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/k2w/covid19/tg_call.html


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ