配信日
2023年02月03日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-32]【Tungkol sa pagsusuot ng face mask】
Ipinapaliwanag ng Ministro ng Kalusugan, Paggawa, at Kapakanan kung paano magsuot ng face mask.

●Bilang panuntunan, hindi kailangang magsuot ng face mask sa labas ng gusali sa anumang season.

●Hindi kailangang magsuot ng face mask sa loob ng gusali kung maaaring panatilihin ang distansya at kung halos hindi makikipag-usap sa mga tao.

●Magsuot ng face mask kapag makikipagkita sa mga matatanda, kapag pupunta sa ospital, o kapag nasa lugar na may maraming tao tulad ng tren sa rush hour.

●Hindi kailangang magsuot ng face mask ang mga batang wala pang 2 taong gulang dahil maaaring mapanganib ito sa kanila.
Kahit na ang bata ay 2 taong gulang pataas, kung ang bata ay nakasuot ng face mask, ang mga magulang at mga nakatatanda sa paligid ay dapat maging mapagmasid sa pisikal na kondisyon ng bata.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ