配信日
2023年03月07日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-34]【Para sa mga Papasok ng Mababang Paaralan at Junior High School sa Japan】
Sa Japan, nag-uumpisa ang pasukan sa mga paaralan sa Abril.
May mga panuntunan at mga kinakailangang dalhin na gamit sa paaralan na natatangi lamang sa Japan.

May booklet na tinatawag na “10 Puntos Upang Makapag-aral nang Masaya at Ligtas sa Elementarya, Para sa mga dayuhang Magulang/Tagapag-alaga at Bata” at “10 Puntos Upang Pagyamanin ang Buhay Junior High School para sa mga Dayuhang Estudyante at Kanilang mga Magulang/Tagapag-alaga” (10 Tips for an Enriching Junior High School Life in Japan for Foreign Students and their Guardians).
Malinaw na ipinapaliwanag dito ang mga bagay-bagay na maaring nakakalito para sa mga dayuhan, tulad ng mga ihahanda bago magpasukan at tungkol sa buhay-paaralan. Makikita ring ang impormasyon kung saan maaring makipagsangguni kapag may problema.

Makikita ang mga materyales na ito sa internet. Mangyaring tingnan.
Ipagbigay-alam din ito sa mga kaibigan.

Mababang Paaralan: https://www.kifjp.org/wp-new/wp-content/uploads/2020/04/05Tagalog_insatsu_2020.pdf

Junior High School:(English) https://www.kifjp.org/wp-new/wp-content/uploads/2015/03/English_insatsu.pdf

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ