配信日
2023年05月18日
配信先グループ
Tagalog
[IKT23-05]【Ligtas na Paggamit ng Bisikleta】
Ang bisikleta ay kauri ng kotse. Gamitin natin ito nang ligtas para hindi maaksidente.
Mula ika-1 ng Abril, isinabatas na ang lahat ng magbibisikleta ay kinakailangang pilitin magsuot ng helmet.

< Mga kailangang pag-ingatan kapag nagbibisikleta >
1.Dumaan sa bahagi ng kalsada para sa kotse (minsan may mga bangketa rin na maaaring daanan).
2.Manatili sa kaliwang bahagi ng daan kapag nagbibisikleta sa kalsada.
3.Priyoridad ang mga pedestrian sa bangketa.
4.Sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan (safety rules)
・Bawal magbisikleta kung nakainom ng alak.
・Bawal mag-angkas.
・Bawal magbisikleta nang magkatabi-tabi ang dalawa o higit pa.
・Mag-bukas ng ilaw sa gabi.
・Sundin ang traffic signal.
・Huminto sa interseksyon/crossing.
・Tingnang mabuti ang kapaligiran upang siguraduhin ang kaligtasan.
5.Lahat ay magsuot ng helmet.

■Mga Panuntunan sa Ligtas na Pagbibisikleta (Safety rules for bicycles):Lungsod ng Sendai
https://www.city.sendai.jp/jitensha/foreign.html
Wikang Hapon, Ingles, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ