配信日
2023年06月08日
配信先グループ
Tagalog
[IKT23-08]【Makakatanggap na ang Certificate of Eligibility (COE) sa Email】
Simula ika-17 ng Marso, 2023, matatanggap na ang Certificate of Eligibility (COE), “ZAIRYU-SHIKAKU-NINTEI-SHOUMEISHO” sa pamamagitan ng email.
Ang e-mail na ito ay maaari din ninyong i-forward sa mga nakatira sa ibang bansa, kaya mababawasan na ang perwisyo, gastos, at oras sa pagpapadala ng COE.
Ang mga dayuhang naninirahan sa ibang bansa ay maaaring mag-apply ng visa at landing permission sa pamamagitan ng pagpapakita ng email na nasa kanilang smartphone, atbp.

■Ang mga makakatanggap ng COE sa pamamagitan ng email ay ang mga sumusunod:
(1) mga taong nag-aapply/mag-aaply sa COE ng online
(2) mga taong nakapagparehistro bilang online user bago tumungo at mag-aapply ng COE sa lokal na tangggapan ng imigrasyon

Para sa mga detalye, mangyaring tingnan sa website ng Immigration Services Agency ng Japan.
https://www.moj.go.jp/isa/applications/procedures/10_00136.html


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ