配信日
2023年07月27日
配信先グループ
Tagalog
[IKT23-12]【Mag-ingat sa heatstroke (necchusho)】
Mainit na po. Kaya mangyaring mag-ingat sa heatstoke.
Mababasa sa iba’t-ibang wika tungkol sa heatstroke sa sumusunod na website.
https://www.mhlw.go.jp/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/nettyuu/nettyuu_taisaku/prevent.html

■Pag-iingat sa loob ng bahay/gusali
- Pababain ang temperature ng silid sa pamamagitan ng electric fan o aircon
- Harangan ang liwanag ng araw sa pamamagitan ng blackout na kurtina
- Suriing madalas ang temperature ng silid

■Pag-iingat kapag nasa labas
- Gumamit ng payong o sumbrero
- Magpahinga nang madalas sa lilim o iba pang malamig na lugar
- Iwasang lumabas sa tanghali sa mainit na araw hangga’t maaari

■At iba pa
- Magsuot ng preskong damit
- Gamitin ang ice pack, yelo, malamig na tuwalya para magpalamig ng katawan
- Madalas na uminom ng tubig / kumain ng may asin


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ