配信日
2023年12月06日
配信先グループ
Tagalog
[IKT23-27]【Notebook ng Gamot o OKUSURI TECHO】
Ang “Okusuri Techo” o “Notebook ng Gamot” ay isang notebook na natatanggap mula sa botika.
Isusulat ng pharmacist sa notebook na ito ang pangalan ng gamot, paraan ng paggamit at ang mga dapat pag-ingatan.
Nakikita sa notebook na ito kung kailan, saan, at anong gamot ang inyong natanggap.

May mga ilang benepisiyo sa pagkakaroon ng “Notebook ng Gamot”.
・Sa ospital, masasabi ninyo ng wasto kung ano ang mga gamot na inyong ginagamit.
・Sa botika, makikita ng pharmacist kung may mga gamot na nagdoble o kung may masamang kumbinasyon sa mga gamot na naireseta.
・Kung naglalakbay, o sa panahon ng sakuna, o bigla kayo dinala sa ospital, malalaman kung anu-ano ang mga gamot na madalas ninyong ginagamit.
・Mababawasan ang halaga ng babayaran kapag ipinakita ang “Notebook ng Gamot” sa botika.

Kung mayroon kayong anumang sakit o allergy, mangyaring isulat ito sa inyong “Notebook ng Gamot”
Kung sumama ang pakiramdam sa paggamit ng gamot, mangyaring isulat din ang tungkol dito.
Laging dalhin ang inyong “Notebook ng Gamot” at sabihin nang maayos sa doktor o pharmacist ang tungkol sa inyong kalusugan.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ