配信日
2023年12月25日
配信先グループ
Tagalog
[IKT23-29]【Bawasan natin ang pagtapon ng pagkain】
Ang food loss, o SHOKUHIN-ROSU ay ang pagkain na maaari pang kainin ngunit itinatapon na lamang.
Kapag dumarami ang itinatapong pagkain, lumalaki din ang gastos sa pamamahala ng basura o waste treatment. Gayundin, ang pagsusunog ng maraming basura ay may negatibong epekto sa kapaligiran.

Ang pagbabawas ng tinatapon na pagkain ay isang paraan ng pagtitipid sa pera.
Subukan ang mga sumusunod na payo upang hindi mag-aksaya ng pagkain.

〇Mga magagawa kapag namimili
・Suriin kung anong pagkain ang mayroon sa bahay bago mamili
・Bumili lamang ng sapat na pagkain
・Kumuha ng produktong nakalagay sa harap (hindi ang mga bagong lagay o nasa likod)

〇Mga maaaring gawin sa bahay
・Itabi ang mga pagkain sa tamang paraan
・Gamitin mula sa natitirang pagkain
・Magluto lamang ng kayang ubusin

〇Mga bagay na maaaring gawin kapag kumakain sa restaurant
・Mag-order lang ng kayang ubusin
・Kapag may natitirang pagkain, magtanong sa waiter kung maaaring ipabalot


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ