配信日
2013年06月20日
配信先グループ
Tagalog
[IKT13-13]Paalala tungkol sa HIV Test
Sa HIV Testing Center, nagsasagawa ng HIV Test kung saan malalaman agad ang resulta sa araw na isinagawa ang pagsusuri.
■Petsa: Ikalawang Linggo ng buwan
■Oras ng Tanggapan: 13:00 ~ 15:00
■Kapasidad:
(1)Unang makakarating na 50 katao (Enero, Marso, Mayo, Hulyo, Setyembre, Nobyembre / May tagasalin ng wika)
(2)Unang makakarating na 110 katao (Pebrero, Abril, Hunyo, Agosto, Oktubre, Disyembre / Walang tagasalin ng wika)
■Wikang may Tagasalin: Ingles
■Lugar: Atsugi YMCA(Odakyu Line / 5 minutong lakad mula sa North exit ng istasyon ng Hon-atsugi )
※Hindi na kailangan mag-apply o magpalista. Mangyaring direktang magpunta sa lugar na pagsasagawaan ng pagsusuri.
※Walang bayad ang pagsusuri at hindi malalaman ang pangalan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa nakatakdang araw ng pagsusuri (schedule)at HIV Testing Center na mayroong tagasalin ng wika (kailangan ng reserbasyon) , i-click ang sumusunod na URL:
http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f544/p12926.html
(Hapon)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ