配信日
2013年09月04日
配信先グループ
Tagalog
[IKT13-22]Kapisanan para sa kasarinlan ng Magkakapit-bahay (Jichikai)・Samahan ng Magkakapit-bahay(Chounaikai)
Sa Japan, mayroong dalawang grupo ng magkakapit-bahay. Ang Kapisanan para sa kasarinlan ng Magkakapit-bahay (Jichikai) at Samahan ng Magkakapit-bahay (Chounaikai).
Nagtitipon ang mga naninirahan sa lungsod upang mapaganda ang pamumuhay ng lahat.
Maaaring sumali ang mga dayuhang residente ng lungsod.
■Mga gawain:
・Naghahatid ang mga paalala o patalastas mula sa munisipyo at mga impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa lungsod sa pamamagitan ng pagpapa-ikot ng “Kairanban” sa mga kabahayan.
・Nagsasagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan sa lungsod
・Nagsasagawa ng mga Disaster drills
・Nagsasagawa ng mga kaganapan tulad ng mga fiesta (omatsuri), bazaar, atbp.

■Membership fee: May bayad (naiiba ayon sa grupo)

■Paano mag-apply: Sumangguni sa munisipyo ng tinitirhang lungsod

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ