配信日
2013年12月03日
配信先グループ
Tagalog
[IKT13-33]Scholarship para sa Mag-aaral sa Kolehiyo
Pagkakaloob ng scholarship sa mga mag-aaral sa kolehiyo (higit sa 3 taon) at mga nagtapos ng kolehiyo na nagnanais ipagpatuloy ang pag-aaral sa taong 2014.Mangyaring tingnan ang website para sa karagdagang impormasyon.

<‘Tsuboi Ichiro・Jinko Student Support Program’para sa taong 2014>
■Nararapat:
Dayuhang residente sa Japan, at dating dayuhan national, mag-aaral ng mahigit sa 3 taon sa kolehiyo o nagtapos ng kolehiyo at magpapatuloy ng pag-aaral sa darating na pasukan ng Abril, 2014 (masters o doctoral course) na nasasakop sa sumusunod na kategorya (1)~(2):
(1) Indochine Refugee,Treaty Refugee at ang mga anak nila.
(2) Mga anak ng Returnee mula sa Tsina, mga residente ng Japanese descent (Nikkeijin) at ang mga anak nila.
※Mga dayuhan na naaangkop sa mga kategorya na nakatala sa itaas at mga dayuhang mag-aaral na nagbago ng nasyonalidad ay kasama rin sa nararapat na makatanggap ng scholarship.
※Hindi maaaring makatanggap ng scholarship ang mga mag-aaral na ang visa ay estudyante.

■Mga paksa ng aplikasyon・ Application form
http://support21.or.jp/news/2013/10/10309/

■Petsa ng aplikasyon: Abril, 2014 ~ Marso, 2015

■Huling araw ng Pag-aaplay: Disyembre 11, 2013

■Pag-aplay at Katanungan:
Sumangguni sa tanggapan ng Social Welfare Support 21 (Hapones) TEL: 03-5449-1311
E-mail:info@support21.or.jp

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ