配信日
2014年01月16日
配信先グループ
Tagalog
[IKT13-41]Pagtanggap ng mga Mag-aaral sa Bokasyonal at Teknikal na Paaralan sa Prepektura para sa pasukan ng Abril, 2014
Tumatanggap ng mga mag-aaral ang mga bokasyonal at teknikal na paaralan sa Yokohama (East campus) at Hatano (West campus).
Matututo ng mga teknikal na kaalaman na magagamit sa pagtrabaho.
May mga kurso sa automobile mechanic, landscaping, elektrikal, nursing o pangangalaga, pagluluto at iba pa.
Mayroong admission test (Math, Japanese, Interview).
Ang test at lahat ng klase ay isinasagawa gamit ang wikang Hapon.

■Takdang panahon: 2 taon, 1 taon, 6 na buwan
■Gastos sa Pag-aaral: May bayad ang 2 taon at 1 taong kurso. Walang bayad ang 6 na buwang kurso at ilan sa mga 1 taong kurso. Gayunpaman, kailangang magbayad para sa sariling aklat at uniporme.
■Huling araw: Peb. 3 (Lunes)
■Petsa ng Pilian: Peb. 16 (Linggo)
■Petsa ng Pagpahayag ng mga Nakapasa: Peb. 27 (Huwebes)
■Unang araw ng Pasukan: Abril 4 (Biyernes)
■Briefing:
Enero 19 (Linggo) 10:00~/11:30~ )Kanagawa Labor Plaza ( JR Negishi Line / 3 minutong lakad mula sa Ishikawa-cho station)
Enero 20 (Lunes) 13:30~/15:00~ Human Resource Support Center (JR Tokaido Line, Odakyu Line / 10 minutong lakad mula sa Fujisawa station)
■Try-out: Maaaring subukan ang pagpasok sa klase. Mangyaring tumawag at magpatala hanggang 17:00, isang araw bago magpunta dito. (Maliban Sabado, Linggo at holiday)
(East campus) Enero 24 (Biyernes) , 27 (Lunes), 29 (Miyerkules) 10:00~/13:00~  TEL: 045-504-2810
(West campus) Enero 25 (Sabado), 31 (Biyernes) 9:30~/13:00~ TEL: 0463-80-3002

Alamin ang mga karagdagang impormasyon sa sumusunod na website.
http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f360926/

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ