配信日
2014年02月20日
配信先グループ
Tagalog
[IKT13-48]Para sa mga Mag-aaral sa Unang Baytang ng Mataas na Paaralan mula Abril
Mangyaring isagawa na ang aplikasyon ng Tulong na Pananalapi para sa Pag-aaral at Residence Card.

<Hinggil sa Sistema ng Tulong na Pananalapi para sa Pag-aaral sa Mataas na Paaralan (Senior High School)- SHUGAKU SHIENKIN>
Magbabago na ang Sistema ng pagtanggap ng Tulong na Pananalapi para sa Pag-aaral mula Abril, 2014.
Sa bagong sistema ng Tulong na Pananalapi para sa Pag-aaral, kapag naisagawa ang aplikasyon, ang pamahalaan ang magbabayad ng buo o bahagi ng matrikula sa paaralan (publiko at pribado).
Kapag hindi naisagawa ang aplikasyon, kailangang bayaran ang buong halaga ng matrikula.
Mangyaring kumonsulta sa tanggapan ng Mataas na Paaralan (Senior High School) kung saan magpapatala para sa pamamaraan ng pag-apply.

■Nararapat: Hindi dapat hihigit sa 910 milyong yen (\9,100,000) ang taunang kita ng kabahayan, Mag-aaral na nagpatala sa Senior High School (Publiko at Pribado) mula Abril, 2014.
■Paraan ng Pag-apply: Isumite ang Application form at Tax Declaration Form sa Senior High School sa buwan ng Abril.

■Sanggunian(Hapon)
Hinggil sa Tulong na Pananalapi para sa Pag-aaral sa Pampublikong Mataas na Paaralan / Financial Affairs Division, Education Bureau, Kanagawa Prefectural Government
TEL: 045-210-8251
Hinggil sa Tulong na Pananalapi para sa Pag-aaral sa Pribadong Mataas na Paaralan / Prefectural Private School Affairs Division, Communitiy Affairs Bureau, Kanagawa Prefectural Government TEL: 045-210-3793

<Sanggunian>Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology of Japan
(Tagalog)
http://www.mext.go.jp/component/a_menu/education/micro_detail/__icsFiles/afieldfile/2014/01/31/1343728_07.pdf

<Hinggil sa Residence Card>
Hanggang sa ika-16 na kaarawan, kailangang magpunta sa Immigration Bureau upang isagawa ang aplikasyon ng pag-aayos ng Residence Card.
Maaring isagawa ang aplikasyon ng pag-aayos ng Residence Card 6 na buwan bago sumapit ang ika-16 na kaarawan.

■Sumangguni sa sumusunod:
Immigration Information Center(Weekdays 8:30~17:15)
TEL: 0570-013904(IP Phone・PHS・Mula sa ibang bansa 03-5796-7112)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ