配信日
2014年03月06日
配信先グループ
Tagalog
[IKT13-50]Sistema ng Suporta sa Pananalapi para sa Mataas na Paaralan (Senior High School) - SHUGAKU SHIENKIN
Mula Abril, 2014, magbabago ang paraan ng suporta ng pananalapi para sa matrikula ng mag-aaral sa unang baytang ng mataas na paaralan (senior high school)
Sa bagong Sistema ng Suporta sa Pananalapi para sa Mataas na Paaralan (Senior High School), kapag naisagawa ang aplikasyon, ang pamahalaan ang magbabayad ng buo o bahagi ng matrikula sa Mataas na Paaralan (pampubliko o pribado).
Kapag hindi naisagawa ang aplikasyon, kailangang bayaran ng pansarili ang buong matrikula sa paaralan.

■Nararapat: Hindi dapat hihigit sa 910 milyong yen (\9,100,000) ang taunang kita ng kabahayan, Mag-aaral na nagpatala sa Senior High School (Publiko at Pribado) mula Abril, 2014.
■Paraan ng Aplikasyon: Sa buwan ng Abril, isumite ang application form at tax declaration certificate sa Mataas na Paralan (Senior High School).
Para sa mga hindi nakakaalam ng paraan ng pag-apply, mangyaring sumangguni sa Enrollment orientation o sa tanggapan ng papasukan na Mataas na Paaralan (Senior High School).

<Sanggunian>
URL: http://www.pref.kanagawa.jp/uploaded/life/760419_2096732_misc.pdf (Tagalog)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ