配信日
2014年05月19日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-07]Mga paalaala ukol sa mga Kurso
①【Libreng Kurso ng Pag-aral ng Wikang Hapon】

Pang-Akademikong Institusyon ng mga Wika at Kultura ng Prepektura ng Kanagawa (Institute of International and Cultural Studies) ay nagbibigay ng iba’t-ibang kurso sa pag-aaral ng wikang Hapon para sa mga dayuhang residente. Mangyaring alamin ang nilalaman sa mga sumusunod na website.
http://www.pref.kanagawa.jp/uploaded/attachment/701402.pdf(Ingles)
■Makipag-ugnay sa: Kanagawa Prefectural Institute of International Language and Culture Studies Academia (Sarado tuwing Sabado, Linggo at mga holidays)

②【Preparatory Training para sa Pagtatrabaho ng mga Nikkeijin o mga Dayuhang may lahing Hapon】
Ito ay mga kurso ng pagaaral ng Wikang Hapon na magagamit sa pagtatrabaho. Mayroong mga klaseng pang-umaga at panggabi. Maaaring mag-apply sa Hello Work.
■Nilalaman ng Pagsasanay:
・Pag-aaral ng wikang Hapon
・Mga nararapat malaman tungkol sa pagta-trabaho sa Japan, pagtanggap ng panayam o interview, paraan ng pagsulat ng resume o rirekisho.
・Mga nararapat malaman tungkol sa kalagayan ng trabaho, tungkol sa batas, at pagbisita sa lugar ng pagtra-trabahuan , atbp. bibisitahan din ang mga pagta-trabahuan atbp.
■Nararapat:
・Mga taong nagtataglay ng nasyonalidad na Latin America
・Ang katayuan ng paninirahan o visa ay “Asawa o Anak ng Hapon”, “Permanent resident”, “Asawa o Anak ng Permanent Resident” at “Long-term Resident”.
※Tumatanggap ng konsultasyon mula sa mga dayuhan maliban sa mga mamamayan ng Latin America. Kumunsulta na lamang kahit hindi taga- Latin Amerika.
■Bayad: Libre (Kanya-kanya ang pagbabayad ng sariling transportasyon.)
■Ang mga klase sa loob ng Prepektura ng Kanagawa at mga tagapag-ugnay: (Maaaring makipag-ugnay mula Lunes~Biyernes, 9:30~18:00)

Yokohama:(Umaga)Cristina Okano (080-5930-2803)
(Gabi)Meire Kochi (080-5903-4248)
Kawasaki: Cristina Okano (080-5930-2803)
Atsugi, Hadano, Matsuda-machi, Aikawa-machi: Marcia Yakuwa (080-5957-2631)
Yamato, Fujisawa: Meire Kochi (080-5903-4248)
Hiratsuka: Cecilia Akamine (080-4105-1527)

■Mangyaring bisitahin ang website para sa karagdagang impormasyon.
http://sv2.jice.org/e/jigyou/tabunka_jisshi.htm#tabunka_course_kanagawa(Ingles)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa
ʻ

ページの先頭へ