配信日
2014年06月09日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-09]Current Condition Report para sa Child-rearing Allowance
Ang mga naninirahan sa Japan na nangangalaga ng anak (ipinanganak mula Abril 2, 1999 ~ Hunyo, 2014) ay makakatanggap ng suportang pananalapi o Child-rearing allowance.
Ang mga taong kasalukuyang nakakatanggap ng allowance ay papadalan ng Current Condition Report form o “Genkyou todoke” mula sa lungsod na pinaninirahan. Mangyaring sagutan ang form at isumite sa tanggapan ng lungsod.
Kapag hindi nag-sumite, hindi na makakatanggap ng suportang pananalapi o Child-rearing allowance mula sa buwan ng Hunyo.
Kung hindi kabisado kung papaano, mangyaring kumonsulta na lamang sa tanggapan ng pinaninirahang lungsod.

※Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Child-rearing allowance, mangyaring tingnan ang sumusunod na website
http://www.clair.or.jp/j/multiculture/docs/jido-tl1.pdf (Tagalog)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ