配信日
2014年06月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-12]Gabay tungkol sa HIV Test
Sa HIV Testing Center, mayroong HIV test kung saan malalaman agad ang resulta sa loob ng mismong araw na isinagawa ang pagsusuri.

■Petsa: Ikalawang Linggo ng bawat buwan / 13:00~15:00
■Lugar: Atsugi YMCA (Odakyu Line, 5 minutong lakad mula sa Hon-atsugi station)
■TEL:(teleponong matatawagang sa araw ng test)070-1288-4116(May mga interpreter o tagasalin ng wika sa buwan ng Enero, Marso, Mayo, Hulyo, Setyembre, at Nobyembre)
■Kapasidad: ① 50 kataong unang makakarating (Ito ay sa buwan ng Enero, Marso, Mayo, Hulyo, Setyembre, at Nobyembre) at may interpreter sa Espanyol, Portuges, Thai at Ingles)
    ②110 kataong unang makakarating (Ito ay sa buwan na walang interpreter: Pebrero, Abril, Hunyo, Agosto, Oktubre at Disyembre.)
■Bayad: Libre
■Paraan ng pag-apply: Hindi kinakailangan. Mangyaring direktang magpunta sa lugar kung saan isasagawa ang pagsusuri.
※Hindi kailangang ipaalam ang pangalan sa pagsusuring ito.

Bumisita lamang sa sumusunod na website para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang HIV test na may interpreter (maaaring kinakailangang magparehistro bago magpa-test) at mga detalye nito tulad ng petsa at lugar.
http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f6943/

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ