配信日
2012年06月01日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-10]Japanese Classes
Sa [Tsuruma Yomi Kaki no Heya o Tsuruma Japanese Classes], matututuhan ang pagbabasa at pagsusulat ng wikang Hapones na magagamit sa araw-araw na pamumuhay.
■Kurso mula Hunyo ~ Hulyo
(1) Petsa: Hunyo 5~Hulyo 3 (Tuwing Martes 10:00~12:00)
Lugar: “Yamato-shi Shougai Gakushuu Center” (10 minutong lakad mula istasyon ng Yamato / Odakyu Enoshima Line o Soutetsu Line)
(2) Petsa: Hunyo 4~Hulyo 2 (Tuwing Lunes 19:00~21:00)
Lugar: “Yamato-shi Hoken Fukushi Center” (5 minutong lakad mula istasyon ng Tsuruma / Odakyu Enoshima Line)
■Mga Nararapat:
・Dayuhang residente ng Yamato City
・Dayuhang nagtatrabaho sa Yamato City
・Dayuhang nag-aaral sa Yamato City
・Mga taong nakakabasa at nakakasulat ng simpleng pangungusap sa wikang Hapon
■Nilalaman:
・Pagbabasa ng mga balita o impormasyon mula sa paaralan.
・Pagbabasa ng lathala o advertisement ukol sa trabaho, atbp.
■Bayad: \1000
■Paraan ng Pagpaparehistro:
Hanggang Hunyo 1 (Biyernes), magpunta sa International Affairs / Gender Equality Division ng Yamato City Public Office o tumawag sa TEL: 046-260-5164
  

☆[Mapa ng mga Lugar na Mapag-aaralan ng wikang Hapon sa Kanagawa]
Sa website na nakatala sa ibaba, makakahanap ng higit pa sa 100 na lugar na mapag-aaralan ng wikang Hapones sa prepektura ng Kanagawa.
http://www.k-i-a.or.jp/classroom/

※Mangyari lamang na ipaalam sa infokanagawa@k-i-a.or.jp kung hindi ma-access ang nakatalang link.
**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ