配信日
2014年07月14日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-14]Child-rearing Household Supplementary Special Benefits, Temporary Welfare Benefits
Dahil sa pagtaas ng consumption tax (buwis sa mga bilihin) sa 8% mula Abril, 2014, makakatanggap ng isang beses lamang sa alin man sa sumusunod na benepisyo ang taong nararapat na makatanggap nito.

<Child-rearing Household Supplementary Special Benefits>
Ang mga pamilyang may mga batang-anak ay makakatanggap ng \10,000 sa bawat bilang ng anak. Ang mga nasasakupan nito ay mga batang ipinanganak mula Abril 2, 1999. Ito ay para lamang sa mga pamilyang may kita na hindi lalampas sa takdang halaga. Naiiba ang pamamaraan ng pag-aapply ayon sa lugar ng pinaninirahan. Ang mga pamilyang may mga batang anak ay makakatanggap ng application form sa simula ng panahon ng aplikasyon.

<Temporary Welfare Benefits>
Makakatanggap ng \10,000 ang mga taong mababa ang halagang kinikita. Ang mga makakatanggap ng benepisyong ito ay papadalahan ng application form mula sa tanggapan ng lungsod na pinaninirahan.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ