配信日
2014年07月22日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-15]Mag-ingat sa Heat exhaustion at Heatstroke
Kapag biglang umiinit ang panahon o mag-eehersisyo o magtatrabaho sa mainit at maalinsangang lugar, kailangan mag-ingat sa heat exhaustion.
Ang sintomas ng heat exhaustion ay ang pagtaas ng temperatura ng katawan, o makakaranas ng panghihina, pagkahilo at sakit ng ulo.
Sa mga malubhang kaso ng heatstroke, nawawalan ng malay ang biktima at maari pa itong mauwi sa kamatayan.
Ang mga bata at matatanda ay karaniwang nanganganib na maapektuhan ng heatstroke. Nararapat ang higit na pag-iingat sa kanila.

<Mga paraan upang makaiwas sa Heatstroke>
■Uminom ng sapat na tubig at mag-intake ng asin (huwag nang hintayin pang mauhaw bago uminom).
■Mag-suot ng damit na presko sa katawan.
■Kapag maglalakad sa labas, maglakad sa lilim, at gumamit ng sombrero o payong.
■Kapag nasa loob ng bahay o kuwarto, panatilihing presko ang at maginhawa sa pamamagitan ng pagbukas ng bintana o paggamit ng air-conditioning.


※Para sa mga impormasyon tungkol sa mga ospital o kaya’y mga karamdaman (tulad ng heatstroke), maaring tumawag sa AMDA at kumonsulta sa telepono sa iba’t-ibang wika.
Nagbibigay din sila ng serbisyong pagsasalin ng wika sa pamamagitan ng telepono habang nagpapatingin sa ospital.

AMDA International Medical Information Center
TEL: 03-5285-8088
■Intsik, Espanyol, Ingles, Thai, Koreyano: Araw-araw (9:00~20:00)
■Portuges: Lunes, Miyerkules, Biyernes (9:00~17:00)
■Tagalog: Miyerkules (13:00~17:00)
■Vietnamese: Huwebes (13:00~17:00)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ