配信日
2014年09月16日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-24]Mga Pamamaraan ng pagpasok sa mababang paaralan sa Japan
Ang mga batang ipinanganak mula Abril 2, 2008 ~ Abril 1, 2009 ay makakapasok sa mababang paaralan (elementarya) mula Abril, 2015.
Ang pamilyang may batang may pagkamamamayan sa ibayong dagat ay makakatanggap ng gabay sa pagpasok sa paaralan o nyuugaku annai sa buwan ng Setyembre. Mangyaring magpunta sa city hall o ward office ng lungsod na ng pinaninirahan at isagawa ang alituntunin.
Kapag hindi nakatanggap ng gabay sa pagpasok sa paaralan o nyuugaku annai, mangyaring kumonsulta sa city hall o ward office ng lungsod na pinaninirahan. Ang mga batang Hapones naman ay makakatanggap ng abiso sa pagpasok sa paaralan o shuugaku tsuuchi sa buwan ng Oktubre. Wala ng alituntunin na kailangang isagawa. Mayroong pagsusuri ng kalusugan at orientasyon bago magpasukan, at mangyaring tiyakin lamang ang petsa na isasagawa ito.

Sanggunian:
Ipinapaliwanag sa sumusunod na website ang mga impormasyon tulad ng sistema ng edukasyon at paraan sa pagpasok sa paaralan sa Japan.
<Ministry of Education>
(Tagalog)
http://www.mext.go.jp/a_menu/shotou/clarinet/003/001/004.pdf

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ