配信日
2014年09月29日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-26]Pagsusuri ng Kalusugan at Pagba-bakuna ng mga sanggol
Isinasagawa ang pagsusuri ng kalusugan at pagbabakuna upang mapalaki sila ng nang malusog. Mangyaring tiyakin sa city hall o ward office ng inyong pinaninirahan ang petsa at lugar na isasagawa ito.

■Pagsusuri ng kalusugan ng sanggol
Susukatin ang taas at bigat ng sanggol na ang edad ay 3~4 na buwan, isa’t kalahating taon, at 3 taong gulang. Mayroon ding check-up na isasagawa ng doktor.

■Bakuna
Ang pagbabakuna ay isinasagawa sa pamamagitan ng iniksyon, at iba pang paraan upang makaiwas sa nakakahawang sakit.
May bakunang libre at mayroong bakunang may bayad.
 
Ang mga impormasyon sa pagpapabakuna ng bata, tulad ng petsa, at mga bagay na nararapat pag-ingatan o iwasan sa pagpapa-bakuna ay nakasalin sa iba’t-bang wika. Mangyaring basahin ng nang maigi at tiyakin ang nararapat na malaman.

■「Gabay sa Pagpa-bakuna para sa Dayuhang magulang」
< (NPO) Kanagawa International Foundation>
http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_tagalog.pdf (Tagalog)

Sanggunian:
Ang mga uri at panahon ng pagpapa-bakuna ay nakasulat sa iba’t-ibang wika sa sumusunod na website. Mayroon ding questionnaire o palatanungan para sa pagpapa-bakuna, mangyaring gamitin ang nararapat na wika.
< (NPO) Vaccine Research Center>
http://www.yoboseshu-rc.com/index.php?id=8

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ