配信日
2014年10月27日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-31]Impormasyon tungkol sa Scholarship (Shogakukin)
Scholarship (shogakukin) para sa mga estudyante sa kolehiyo (3rd year pataas) at graduate students (nagma-master na estudyante). Mangyaring tingnan ang website para sa karagdagang impormasyon.
<2015 Tsuboi Ichirou・Jinko Student Support Program>
■Nararapat:
Mga estudyanteng dayuhan o dating may banyagang nasyonalidad na 3rd year college o pataas mula Abril, 2015. Mga estudyanteng nagma- masters o doctorate na nasasakop ng alinman sa sumusunod na kategorya (1) (2):
(1) Indochina refugees, Treaty refugees at kanilang mga anak
(2) Anak ng mga Hapon na naiwan sa China pagkatapos ng WWII at nakauwi sa Japan, Nikkeijin o Non-Japanese national na may lahing Hapon at kanilang mga anak
※Maaring mag-apply ang ang mga estudyanteng dayuhan at mga dating nagtataglay ng banyagang nasyonalidad na natutulad ang kalagayan sa nakasulat sa (1) (2).
※Hindi nasasakop dito ang mga estudyante na may student visa.

■Detalye at Application form
http://support21.or.jp/needsupport/scholarship-tuboi-2/

■Takdang Panahon: Abril, 2015~Marso, 2016
■Huling araw ng pag-apply: Kalagitnaan ng Disyembre, 2014
■Mag-apply at makipag-ugnayan sa:
Social Welfare Foundation Support 21 Office (Japanese) TEL:03-5449-1331(Lunes~Biyernes, maliban sa national holidays / 10:00~17:00)  
E-mail: info@support21.or.jp

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ