配信日
2012年06月11日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-11]Pagsasanay sa wikang Hapones na magagamit sa Pagtatrabaho
Pagsasanay sa wikang Hapones na magagamit sa paghahanda sa pagtatrabaho.
Mayroong klase sa araw at gabi sa 5 lugar sa Kanagawa.
Mangyari lamang na mag-apply sa Hello Work.
Hapones:http://jice.org/jigyou/tabunka_gaiyo.htm
■Mga Nilalaman ng Pagsasanay:
・Wikang Hapones
・Mga kailangang malaman sa pagtatrabaho sa Japan, Pagsagot sa Interview, Wastong Pagsusulat ng Bio-data o Resume
・Social Insurance System, Panayam ukol sa mga Batas ng Japan, Pagbisita sa mga lugar na Pagtatrabahuan at iba pa.
■Mga Nararapat Sumali:
・Spouse of a Japanese o Asawa ng Hapones, Permanent Resident, Asawa ng Permanent Resident at Long-term Resident
・Mga taga Timog Amerika na mayroong Japanese descent o Nikkeijin. May posibilidad na makasali kahit hindi nabibilang sa mga nasabing kondisyon, mangyari lamang na makipag-ugnay upang malaman ang nararapat na gawin.
■Bayad:
Libre (Sariling gastos ang transportasyon)
■Mga lugar ng Pagsasanay sa Kanagawa at Contact Numbers:
(Maaaring makipag-ugnay mula Lunes ~ Biyernes / 9:30~18:00)
Yokohama [080-4105-1526]
Kawasaki [080-5930-2803]
Hiratsuka [080-4105-1527]
Fujisawa / Yamato [080-5903-4248]
Atsugi / Aikawa [080-5957-2631]
■Bisitahin ang website upang malaman ang petsa at iba pang detalye.
Hapones:http://jice.org/jigyou/tabunka_course_kanagawa.htm
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.


**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ