配信日
2014年11月25日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-36]Paalala tungkol sa Scholarship
May scholarship para sa mga dayuhang mag-aaral o mga mag-aaral na dating nagtataglay ng dayuhang nasyonalidad na naninirahan sa Japan. Ito ay para sa suporta sa pamumuhay ng mga mag-aaral sa senior high school, bokasyonal, at kolehiyo.
Ang mga nararapat makatanggap ng scholarship ay mga taong tumutugon sa lahat ng kundisyon na (1) -(3):

(1) Mga mag-aaral sa Japan na dayuhan o dating may dayuhang nasyunalidad na tumutugon sa kondisyon na nakatala sa a) o b):
a)Indo-china refugees, treaty refugees at kanilang mga anak.
b)Taong may lahing Hapon na umuwi mula China, nikkeijin (dayuhan na may lahing Hapon) at kanilang mga anak.
※Maaari ding mag-apply ang mga dayuhan at mga dating nagtataglay ng dayuhang nasyunalidad na katulad din sa a) o b) ang kalagayan.
※Hindi maaring mag-apply ang mga may student visa.
(2) Mga taong nahihirapang tustusan ang pag-aaral.
(3) Mga mag-aaral sa high school, bokasyonal na paaralan, kolehiyo na naninirahan sa Japan sa pasukan ng Abril, 2015 o mga mag-eenroll pa lang sa pasukan ng Abril, 2015.
■Karagdagan inpormasyon sa pag-aplay・Application form
http://support21.or.jp/needsupport/scholarship-seikatsu/

■Takdang Panahon ng Scholarship: Abril, 2015 ~ Marso, 2016
■Deadline ng Pag-aplay: Katapusan ng Enero, 2015
■Pag-aplay/Sanggunian: Support 21 Social Welfare Foundation(Hapones) 
TEL: 03-5449-1331(Weekdays / 10:00~17:00)E-mail: info@support21.or.jp

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ