配信日
2014年12月01日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-37]Gabay sa Kamome Salon, para sa mga dayuhang nagtatrabaho bilang caregiver sa prepektura ng Kanagawa
Magsisimula na ang salon para sa mga dayuhang nagtatarabaho bilang caregiver o EPA caregiver sa Prepektura ng Kanagawa. Ito ay para sa suporta sa pag-aaral at pakikipag-palitan ng kaalaman sa isa’t isa.

■Petsa: Dec. 13, 2014 (Sabado) at sa Jan. 31, 2015 (Sabado) 15:00~18:00
■Lugar: Kanagawa Kenmin Center 2F KANAFAN STATION (5 minutong lakad mula sa west exit ng Yokohama station)
■Nilalaman:
Suporta sa Pag-aaral (2 oras): Paraan ng pagsusulat ng record sa pangangalaga (caregiving), paggawa ng plano ng pangangalaga, communication skill sa lugar ng pangangalaga at salitang Hapon pang-araw-araw.
Salon (1 oras): Maaring kumonsulta o magtanong sa kapwa tungkol sa nararanasan ninyong suliranin,habang nagmemeryenda.
■Kapasidad: 30 katao
■Pagpatala: First come, first served basis
■Bayad: 500 yen per session (para sa meryenda)
■Makipag-ugnay sa: Yokohama International College of Social Welfare
E-mail: info@yicsw.ac.jp
TEL:045-972-3294

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ