配信日
2024年03月13日
配信先グループ
Tagalog
[IKT23-36]【Bagong disenyo ng salaping papel】
Simula ika-3 ng Hulyo 2024 ay magbabago na ang disenyo ng salaping papel sa Japan.
Magagamit pa rin ang mga salaping papel na umiiral.

Ang mga sumusunod ay ang pagbabago sa salaping papel.
・Kapag ipaling-paling ang salaping papel, lilitaw na parang 3D ang mukha ng taong nakalarawan.
・Ito ay may emboss kaya malalaman din ng taong may kapansanan sa mata kung magkano ang salaping papel.
・Ang mga numero ay pinalaki kaya mas madaling mabasa.

Ang mga nasa larawan sa salaping papel ay mababago din.
・10,000 yen: Eiichi Shibuzawa - nagtatag ng maraming kumpanya, pati na ring kauna-unahang bangko sa Japan.
・5,000 yen: Umeko Tsuda - kauna-unahang Haponesa na nag-aral sa Amerika, o sa ibang bansa.
・1,000 yen: Shibasaburo Kitasato - nagresearch tungkol sa bakterya.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ