配信日
2024年05月08日
配信先グループ
Tagalog
[IKT24-04]【Alam mo ba kung ano ang “GOGATSU-BYŌ ”?】
Sa Japan, nagsisimula ang taong piskal ng mga kumpanya at pasukan ng mga paaralan sa buwan ng Abril.
May mga taong nakakaramdam ng pagod at stress dahil sa pagbabago sa kanilang pamumuhay. Pagkatapos ng mahabang bakasyon sa buwan ng Mayo (Golden Week), may mga nakakaramdam ng di-maganda o di-balanse sa katawan o sa pag-iisip at ang ganitong kalagayan ay tinatawag sa Japan na sakit sa Mayo, o “GOGATSU-BYŌ ".

Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga sintomas ng sakit sa Mayo:
・hindi makatulog
・walang ganang kumain
・nalulumbay
・ayaw pumasok sa paaralan o sa trabaho
・madaling mapagod

Kung nakakaranas ng mga ganitong sintomas, subukang mag-refresh. Ngunit kung tuloy-tuloy ang karamdamang ganito o lalo pang lumalala, maaaring mas maganda na magpatingin sa doktor.

Ang sapat na tulog at katamtamang ehersisyo ay nakakatulong din sa pag-iwas sa sakit sa Mayo.
Maaari ring makatulong ang pag-enjoy ng mga hobby para mabago ang inyong mood.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ